My Other Blogs

Visit My Other Blogs: Making a DiffeRENCE (MAD) and Soltero

Wednesday, December 7, 2011

Isumbong Mo Kay Kuya Response 1

Maraming salamat kay Acre of Diamond, ang pinakaunang nag-comment sa Isumbong Mo Kay Kuya Portion ng blog kong Call Me Rence.  Para sa inyong mga nais sumangguni ng inyong mga suliranin, katanungan, magpapahula, at magpapautang, dalawin si Kuya at mag-comment.

Comment galing kay Acre of Diamond:

Dear kuya,
Plano kong gumulong lang dito ngayong gabi pero iba ang tumambad sa akin.Ganon pa man asahan mong susulat ako sayo pag akoy naguguluhan.

ang nagmamahal
Acre of Diamond

Sagot ni Kuya:

Dear Acre of Diamond,
Maraming salamat sa iyong pagtitiwala. Hindi ko ipinapangako na ikaw ay maliliwanagan kapag ikaw ay sumulat tungkol sa kung ano man ang gugulo sa iyong isipan, bagkus ay baka lalo ka pang maguluhan.

At salamat sa pagmamahal. Lab yu tu.

Sumasaakin,
Kuya

Follow-up na sangguni ni Acre of Diamond:

Dear Kuya,

Ako po ay naguguluhan at nalulungkot ngayon. Napakasakit kuya ang dahilan may umutang at mukhang wala ng planong magbayad Sa dahilang mukhang nagka amnesia na kuya ano ang gagawin ko. Ganon pa man naliwanagan na at masaya na dahil sa iyong sulat.

Ang mas lalong napapamahal sayo.
Acre of Diamond

Sagot ni Kuya:

Dear Acre of Diamond,
Naiintidihan ko kung bakit ka naguguluhan at nalulungkot ngayon.  Talagang masakit ang mautangan at hindi mabayaran.  Kung talagang wala nang planong magbayad ang nagkakautang sa iyo, hindi ka na dapat maguluhan.  Dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na ikaw ay na-wantutri.  Huwag ka nang malungkot, dahil kahit pa magkano ang inutang na walang planong ibalik sa iyo, asahan mo na ito ay tutubo sa puwet niya.  Kung gaano kalaki ang hindi binayaran, ganon din kalaki ang tutubo.

Maaari ding nalulungkot ka dahil na-realize mo na ang halaga ng pagkakaibigan niya ay katumbas lamang ng kanyang inutang sa iyo.  Ang cheap niya at wala siyang kwenta.  Marami ka pang pwedeng maging kaibigan.  Mga kaibigang hindi mangungutang sa iyo, at pahahalagahan ka dahil sa taglay mong kabaitan at kagwapuhan.  Kung maaari ay kalimutan na ang inutang sa iyo, at lalo pang magsikap upang mabawi ito sa pamamagitan ng sarili mong kakayahan, talino, at karisma.  Iyan ang tinatawag na moving on.

Hanggang dito na lamang.  Mahal na mahal kita.

Akinkanalang,
Kuya

10 comments:

  1. Nice thing ha. hehehehe. kakatuwa naman.

    ReplyDelete
  2. hehehe so hilarious :D enjoyed it :) Naalala ko ang tropang trumpo at bubble gang :)

    ReplyDelete
  3. Ang galing mong magpayo... Hingi nga rin kaya ako ng advice sa'yo!

    ReplyDelete
  4. @Traveliztera, welcome po ang lahat ng sumasangguni kay Kuya. =)

    ReplyDelete
  5. wahaha ayos.. :) pede din ba ko humingi ng tulong sa yo?yung tipong "sumbong-sumbong kay bonggang bonggang bongbong" ang sagot ah?ehehe salamat sa pagcomment sa blog ko... :)

    best lines (malamang eto na bago kong motto sa buhay):

    Huwag ka nang malungkot, dahil kahit pa magkano ang inutang na walang planong ibalik sa iyo, asahan mo na ito ay tutubo sa puwet niya. Kung gaano kalaki ang hindi binayaran, ganon din kalaki ang tutubo.

    ReplyDelete
  6. @Lester19, welcome na welcome ka magsumbong kay Kuya. Salamat at may positibong epekto sa iyo ang portion na ito. =)

    ReplyDelete
  7. Dear Kuyakuyakoy:

    Inaantok na ako pero ayoko pa matulog. Iba-back read ko pa mga luma mong entries. Ano ang gagawin ko?

    Lovingly yours,

    ReplyDelete
  8. Juice kooh rence pinatawa mo na naman ako ng sobra (ang babaw ko ba? lol) ngayon ko lang eto nakita, at usual, nag-enjoy na naman ako. minsan susulat din ako sayo at hin hingi ng payo ha ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Balut, welcome na welcome ang mga hihingi ng payo. Natutuwa naman ako at nakakapagpasaya ako ng iba kahit sa mumunting paraan.

      Delete