My Other Blogs

Visit My Other Blogs: Making a DiffeRENCE (MAD) and Soltero

Wednesday, August 31, 2011

Mabuhay Ang Mga Fans...Ko


     It was such a high when my post was published in Definitely Filipino, the Blog for Online Filipinos.  Ang tagal kong hinintay na ma-approve iyon.  Akala ko nga ay wala nang pag-asa na mai-publish yung dalawang articles.  Pero mas natuwa ako nung mayroong mga nag-like sa FB nung mga isinulat ko.  Nakakatuwa ring basahin ang mga reactions and comments, lalo na yung mga nagsasabing they can identify with what I have written. Dahil ang ibig sabihin, hindi ako nag-iisa sa mga iniisip ko, opiniyon ko, at mga nararanasan ko.  (Pwede kami magtayo ng grupo. Pararamihin namin ang mga miyembro.  After that, world domination!!!  Hahaha!!! *Flash of lightning and thunder sa background*).  Now, back to reality.  The reason why I write what I write is that I feel I'm the only one having these thoughts, line of thinking, mind sets, feelings, and experiences and that what I am going through is not acceptable to others, and I need to express them.

     Ang pinaka-nakakatuwa sa lahat, alam mo,kung ano?  Yung mayroong hindi mo kakilala, tapos nabasa niya yung article mo, at nag-message siya sa iyo, at in-add ka sa FB, at sabihin niya na siya ay fan mo.  Ang sarap pala ng feeling kapag meron kang fans, at nag-abala pa sila na i-PM ka, mag-comment sa blog mo, at sabihing sinusubaybayan nila ang mga isinusulat mo.  Meron ding nag-uudyok sa akin na magsulat pa dahil may napupulot sila sa mga isinulat ko.  Meron ding mga nag-quote ng aking mga isinulat.  Biruin mo iyon, pagdating ng araw at nagbasa ka ng quotations, yung pangalan ko ay mahahanay kina Aristotle, Plato, Lao Tzu, at Anonymous!

     Ang lahat ng ito ay nagbigay sa akin ng isang realization.  May nagbabasa ng mga isinulat ko.  At kailangan maging responsible ako sa mga isinusulat ko.

     Ang isang epekto sa akin ng fans ko ay nadagdagan ang desire ko for writing.  Una, dahil sa kanilang encouragement, at pangalawa ay dahil mayroon akong fans na sumusubaybay, hindi lang dahil sa kanilang pagsubaybay, kundi rin dahil mayroon akong fans.  Alam ko na ngayon ang feeling ng mga artista.

     Kung magkakaroon pa ako ng marami pang isusulat at magtatagal sa pagba-blog, isang dahilan ay dahil gusto ko.  Pangalawang dahilan ay ang fans ko.  Masarap isiping may nag-aabang kung ano ulit ang isusulat ko.  Kung sila ay matutuwa, maiiyak, maiinis, magagalit, mapapamura, o wala lang.

     Nagpapasalamat ako sa mga nag-express ng encouragement, sa mga naka-identify (hindi tayo nag-iisa), at sa nagsabing siya ay fan ko.  Maraming salamat sa inyo.  Mabuhay kayo.  Fan niyo po ako.

Sunday, August 21, 2011

Malling

     Nag-uusap kami ng isang kaibigan ko nung isang araw.  Nabanggit ko sa kanya na kung day-off ko ay mas gusto ko pang mag-pirmi sa bahay kaysa lumabas.  "Bakit di ka pumunta sa mall?" tanong niya sa akin.  Sabi ko naman ay wala na akong gana sa malling.

     Ewan ko ba, samantalang noong kabataan ko ay enjoy na enjoy ako pumunta sa mall.  Ngayon, pupunta lang ako sa mall kung mayroon akong bibilhin.  Pero di na ako tumatambay sa mall kagaya ng nakagawian ko.

     Sabi ko sa kaibigan ko, kung ang bawat isa sa atin ay binigyan ng halimbawa, 1000 hours para ma-enjoy ang malling, nagamit ko na ang lahat ng iyon.  Kaya di na ako nag-eenjoy sa ganoong gawain.  Ikaw, kung nag-eenjoy ka pa sa pagmo-malling, maaring hindi mo pa nauubos ang ibinigay sa iyong oras para ma-enjoy ito.  Kung di ka naman nag-eenjoy sa malling ngayon, maaaring nagamit mo na ang lahat ng oras mo sa pag-enjoy ng ganitong gawain, o kaya ay napaka-iksi ng ibinigay sa iyong oras para ma-enjoy ito.

     Maari mo rin i-apply ang prinsipiyong ito sa ibang gawain, halimbawa ay sa paglalaro ng basketball, sa panonood ng sine, sa pagdo-Dota, Ragnarok, chatting, etc.

     Maari din na hindi ka binigyan ng ni-katiting na pag-eenjoy sa isang gawain.  Yun bang mga gawain na wala kang ka-inte-interes.  Ano nga namang enjoyment ang uubusin mo kung wala ka nga nito?

     Pansinin mo ang mga taong nag-e-enjoy sa isang gawain.  Kapag ipinagkait mo ito sa kanila, nagmamaktol.  Halimbawa ay ang pagte-text.  O, 'di ba?  Kung pagbawalan ka mag-text ay sandamakol yang mukha mo.  Bakit? Hindi pa kasi nauubos yung enjoyment mo sa activity na iyan.  Darating din ang araw, kapag naubos na iyan at nag-text ka, napilitan ka na lang dahil kailangan.


     Kaya kung ayaw mo na mawala ang enjoyment mo sa isang gawain, tipid-tipirin mo ang paggamit nito.

     Nakakatakot lang na maubos ang enjoyment sa pagkain. Yay!

Saturday, August 13, 2011

Laurence Is My Name

     I love my name.  I don't know if you love yours as much as I do mine, pero hindi naman ako obsessed.  Ok, siguro obsessed ako, hindi ko lang na-realize.  Noon, ang akala ko, napaka-unique ng pangalan ko.  Akala ko ako lang ang may pangalang "Laurence," pero nung high school ako, ang dami kong kapangalan sa school.  Tanggap ko na rin na hindi unique ang pangalan ko, na marami kaming Laurence dito sa mundo.

     Ikaw, pag may kapangalan ka, ano ang una mong ginagawa?  Ako, tinitingnan ko kaagad kung siya ay guwapo.  Ewan ko, kasi meron akong mind set na kapag "Laurence" ang pangalan mo, kailangan ay guwapo ka.  In fairness, sa lahat-lahat ng nakita kong kapangalan ko, masasabi ko na 99.9% kaming puro guwapo.  Kung di ka naniniwala, i-Google mo, o kaya ay i-search mo sa Facebook.  (Singit lang:  partida, first name pa lang yan.  Try mo i-Google o search sa FB ang Laurence Lee.  Madami kami.)

     Ang iba, alam nila kung bakit sila pinangalanan ng pangalan nila.  Merong pinangalanan base sa kung sino ang presidente nung ipinanganak sila.  Kaya ang daming Ferdinands.  Meron ding pinalanganan base sa mga syllables ng mga pangalan ng tatay at nanay nila.  Merong pinangalanan ayon sa kalendaryo.  Ako, di ko alam kung bakit Laurence ang ibinigay sa aking pangalan, pero nagpapasalamat pa rin ako na iyon ang ibinigay sa akin.  Nagpapasalamat din ako at hindi ako naging "junior."  Parang ang awkward isipin kung ang pangalan ko ay "Florencio." (Sumalangit nawa.)

     Bilang isang Laurence, ang kadalasang tawag sa akin ay Rence.  Pinaiksi.  May tumawag din sa aking Lo.  Okay lang sa akin yung mga palayaw na nabanggit ko.  May naisulat na ako tungkol sa mga tawag sa akin sa isang post ko.  Pwede mong basahin iyon dito My Blog Name.

     Ang pinakamahirap na naranasan ko sa pagkakaroon ng pangalang Laurence ay kung may kausap ako sa telepono at tinanong ang pangalan ko.  Kadalasan ang naririnig nila sa phone ay "Loren."  Ewan ko kung bakit di nila naririnig ang "s" sa huli.  Hindi ko alam kung paano ko bibigkasin ang pangalan ko para marinig nila ang  "s."  Naisip ko na kapag tinanong ako kung ano ang pangalan ko, ang isasagot ko ay "Laurenzzzz," o kaya ay kagaya sa mga hapon - Laurensu.

     Isa pa ay ang pag-spell ng pangalan ko, halimbawang tanungin ako sa mga fastfood dahil pending ang order ko.  Mali-mali ang spelling ng Laurence na nakalagay sa resibo, depende kung ano ang kanilang ethnicity.  Parang ang pinakamadaling gawin kapag tinanong ako sa fastfood o kaya ay sa coffee shop ng, "May I have your name, Sir?"  ay sagutin sila ng, "Mike."

Friday, August 12, 2011

My Blog Name

Ok.  Heto at gumagawa na naman ako ng panibagong blog.  Pero bago ka makagawa ng blog, kailangan mo munang bigyan ito ng pangalan.  These were my choices before I opted for "Call Me Rence."

1.  Ako Si Kuya
     Yan na sana ang pangalan ng blog na ito, kaya lang nung i-type ko yung "http://akosikuya.blogspot.com" for availability ay may nakakuha na pala nito.  Pero pwede ko pa namang gamitin yung "Ako Si Kuya" as blog title kaya lang, gusto ko na kung ano yung pangalan ng blog ay siya ring pangalan sa web address nito (dahil ba sa may pagka-OC ako o para madali kong matandaan dahil makakalimutin ako?).  Nung chi-neck ko yung address na 'yon, hay, naku! Walang ka-kwenta-kwenta yung gumawa. Walang laman, at pangalan niya lang yung nakalagay doon.  Parang sinubukan lang.  Ang entry niya, "im johnpaul marangan gwapo."  Wala akong pakialam kung gwapo siya o hindi.  Sinayang niya yung napakagandang web address na sana ay gamit ko na ngayon.

     Tri-nay ko rin yung address na "http://kuya.blogspot.com" para sa title na ito, may nakakuha na rin.  Ganoon din.  Walang kwenta ang laman.  Ang title ng blog niya? Eto - "Love, Peace, Happiness - These 3 Words Are My Philosophies in Life."  Hay, naku.  Parang gusto kong gumawa ng entry sa blog niya at sabihing, "There would have been more love, peace, and happiness if you did not use the address which was supposedly mine."  Mayroon siyang isang entry:

"Just for introduction :
My full name is Sofia Leonita Rivany and my lovely nickname is Fifi.
Butttt.....most of my friends usually call me Sopi, my favourite nickname during my University life."

     Natawa naman ako sa lovely name niya.  Pangalan ng aso. Hahaha.  Tapos sinundan ng puwet, yung "butttt," tapos, naging Bisaya - "Sopi."

2.  What's The Point?
     Eto na po yung second choice ko.  Ang siste, ganoon din ang nangyari.  May nakakuha na ring iba.  At wala ring laman yung kanyang page.  Title lang ang nandoon.  Ang title? "LIFE. why I hate life."  Gusto ko sanang sabihin sa kanya, "why I hate you."

3.  Call Me Rence
     Napakahaba ng istorya ng "call me Rence" na yan.  Pero iku-kwento ko pa rin, and I will not make the long story short.  You see, my real name is Laurence.  Lumaki ako sa Manila kasama ang family at extended families.  Ang tawag sa akin sa house ay ang full name ko.  May mangilan-ngilan sa mga pinsan ko na ang tawag sa akin ay Rence, pero karamihan talaga ang tawag sa akin ay ang buo kong pangalan.  Nung high school, nabigyan ako ng bagong palayaw ng mga babae kong classmates.  "Lo,"  binibigkas ng maragsa. (Kung 'di mo alam ang maragsa, ito ay ang pagbigkas ng may impit sa huli).  Sweet, di ba?  Ang mga lalaki kong kaklase naman, palibhasa may pagkabastos, sasadyaing doblehin ang pagtawag sa akin, nagiging "Lo-Lo," salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay "lapastanganin ang sarili."  Mga hayup!!!

     Noong year 1996 ay umuwi ako sa probinsiya namin sa Palawan.  Alam mo naman ang mga tao sa probinsiya.  Matitigas ang mga dila.  Ang napakaganda kong pangalan, naging "Lorins," "Lurins."  Binigyan din ako ng bagong palayaw - Law (basahin ng Tagalog).  May mga hayup na naman na dinoble na naman ang palayaw ko - Lawlaw.  Haaaist.

     Kaya nag-desisyon ako na kapag may bago akong kakilala at tinanong ako kung ano ang pangalan ko, ang sagot ko ay, "Just call me Rence."  Naks!  Sa ngayon, almost 90% ng nakakakilala sa akin ay iyan ang tawag sa akin.

     E, baka itanong mo naman, saan galing ang "Kuya?"

     May pamangkin akong kambal, parehong babae.  Love nila ako.  Ewan ko ba, sure ako, mag-a-agree ka sa akin.  Ang mga bata ngayon, matatalino, hindi gaya nung kabataan ko (o, wag ka magsasabing, "Ikaw lang!").  "Tito" ang tawag nila noon sa akin.  Di ko alam kung saan sila nakakuha ng idea, tinanong ako kung pwede raw ay "Kuya" na lang ang tawag nila sa akin.  Sa loob-loob ko, "Pabor!"  Tinanong ko sila kung bakit, ang sabi sa akin, kasi daw, wala silang kuya, kaya ako na lang ang kuya nila.  Sweet, no?  Ngayon, 11 years old na sila.  Ako pa rin ang kuya nila.