Nag-uusap kami ng isang kaibigan ko nung isang araw. Nabanggit ko sa kanya na kung day-off ko ay mas gusto ko pang mag-pirmi sa bahay kaysa lumabas. "Bakit di ka pumunta sa mall?" tanong niya sa akin. Sabi ko naman ay wala na akong gana sa malling.
Ewan ko ba, samantalang noong kabataan ko ay enjoy na enjoy ako pumunta sa mall. Ngayon, pupunta lang ako sa mall kung mayroon akong bibilhin. Pero di na ako tumatambay sa mall kagaya ng nakagawian ko.
Sabi ko sa kaibigan ko, kung ang bawat isa sa atin ay binigyan ng halimbawa, 1000 hours para ma-enjoy ang malling, nagamit ko na ang lahat ng iyon. Kaya di na ako nag-eenjoy sa ganoong gawain. Ikaw, kung nag-eenjoy ka pa sa pagmo-malling, maaring hindi mo pa nauubos ang ibinigay sa iyong oras para ma-enjoy ito. Kung di ka naman nag-eenjoy sa malling ngayon, maaaring nagamit mo na ang lahat ng oras mo sa pag-enjoy ng ganitong gawain, o kaya ay napaka-iksi ng ibinigay sa iyong oras para ma-enjoy ito.
Maari mo rin i-apply ang prinsipiyong ito sa ibang gawain, halimbawa ay sa paglalaro ng basketball, sa panonood ng sine, sa pagdo-Dota, Ragnarok, chatting, etc.
Maari din na hindi ka binigyan ng ni-katiting na pag-eenjoy sa isang gawain. Yun bang mga gawain na wala kang ka-inte-interes. Ano nga namang enjoyment ang uubusin mo kung wala ka nga nito?
Pansinin mo ang mga taong nag-e-enjoy sa isang gawain. Kapag ipinagkait mo ito sa kanila, nagmamaktol. Halimbawa ay ang pagte-text. O, 'di ba? Kung pagbawalan ka mag-text ay sandamakol yang mukha mo. Bakit? Hindi pa kasi nauubos yung enjoyment mo sa activity na iyan. Darating din ang araw, kapag naubos na iyan at nag-text ka, napilitan ka na lang dahil kailangan.
Kaya kung ayaw mo na mawala ang enjoyment mo sa isang gawain, tipid-tipirin mo ang paggamit nito.
Nakakatakot lang na maubos ang enjoyment sa pagkain. Yay!
No comments:
Post a Comment