I love my name. I don't know if you love yours as much as I do mine, pero hindi naman ako obsessed. Ok, siguro obsessed ako, hindi ko lang na-realize. Noon, ang akala ko, napaka-unique ng pangalan ko. Akala ko ako lang ang may pangalang "Laurence," pero nung high school ako, ang dami kong kapangalan sa school. Tanggap ko na rin na hindi unique ang pangalan ko, na marami kaming Laurence dito sa mundo.
Ikaw, pag may kapangalan ka, ano ang una mong ginagawa? Ako, tinitingnan ko kaagad kung siya ay guwapo. Ewan ko, kasi meron akong mind set na kapag "Laurence" ang pangalan mo, kailangan ay guwapo ka. In fairness, sa lahat-lahat ng nakita kong kapangalan ko, masasabi ko na 99.9% kaming puro guwapo. Kung di ka naniniwala, i-Google mo, o kaya ay i-search mo sa Facebook. (Singit lang: partida, first name pa lang yan. Try mo i-Google o search sa FB ang Laurence Lee. Madami kami.)
Ang iba, alam nila kung bakit sila pinangalanan ng pangalan nila. Merong pinangalanan base sa kung sino ang presidente nung ipinanganak sila. Kaya ang daming Ferdinands. Meron ding pinalanganan base sa mga syllables ng mga pangalan ng tatay at nanay nila. Merong pinangalanan ayon sa kalendaryo. Ako, di ko alam kung bakit Laurence ang ibinigay sa aking pangalan, pero nagpapasalamat pa rin ako na iyon ang ibinigay sa akin. Nagpapasalamat din ako at hindi ako naging "junior." Parang ang awkward isipin kung ang pangalan ko ay "Florencio." (Sumalangit nawa.)
Bilang isang Laurence, ang kadalasang tawag sa akin ay Rence. Pinaiksi. May tumawag din sa aking Lo. Okay lang sa akin yung mga palayaw na nabanggit ko. May naisulat na ako tungkol sa mga tawag sa akin sa isang post ko. Pwede mong basahin iyon dito My Blog Name.
Ang pinakamahirap na naranasan ko sa pagkakaroon ng pangalang Laurence ay kung may kausap ako sa telepono at tinanong ang pangalan ko. Kadalasan ang naririnig nila sa phone ay "Loren." Ewan ko kung bakit di nila naririnig ang "s" sa huli. Hindi ko alam kung paano ko bibigkasin ang pangalan ko para marinig nila ang "s." Naisip ko na kapag tinanong ako kung ano ang pangalan ko, ang isasagot ko ay "Laurenzzzz," o kaya ay kagaya sa mga hapon - Laurensu.
Isa pa ay ang pag-spell ng pangalan ko, halimbawang tanungin ako sa mga fastfood dahil pending ang order ko. Mali-mali ang spelling ng Laurence na nakalagay sa resibo, depende kung ano ang kanilang ethnicity. Parang ang pinakamadaling gawin kapag tinanong ako sa fastfood o kaya ay sa coffee shop ng, "May I have your name, Sir?" ay sagutin sila ng, "Mike."
No comments:
Post a Comment