My Other Blogs

Visit My Other Blogs: Making a DiffeRENCE (MAD) and Soltero

Friday, August 12, 2011

My Blog Name

Ok.  Heto at gumagawa na naman ako ng panibagong blog.  Pero bago ka makagawa ng blog, kailangan mo munang bigyan ito ng pangalan.  These were my choices before I opted for "Call Me Rence."

1.  Ako Si Kuya
     Yan na sana ang pangalan ng blog na ito, kaya lang nung i-type ko yung "http://akosikuya.blogspot.com" for availability ay may nakakuha na pala nito.  Pero pwede ko pa namang gamitin yung "Ako Si Kuya" as blog title kaya lang, gusto ko na kung ano yung pangalan ng blog ay siya ring pangalan sa web address nito (dahil ba sa may pagka-OC ako o para madali kong matandaan dahil makakalimutin ako?).  Nung chi-neck ko yung address na 'yon, hay, naku! Walang ka-kwenta-kwenta yung gumawa. Walang laman, at pangalan niya lang yung nakalagay doon.  Parang sinubukan lang.  Ang entry niya, "im johnpaul marangan gwapo."  Wala akong pakialam kung gwapo siya o hindi.  Sinayang niya yung napakagandang web address na sana ay gamit ko na ngayon.

     Tri-nay ko rin yung address na "http://kuya.blogspot.com" para sa title na ito, may nakakuha na rin.  Ganoon din.  Walang kwenta ang laman.  Ang title ng blog niya? Eto - "Love, Peace, Happiness - These 3 Words Are My Philosophies in Life."  Hay, naku.  Parang gusto kong gumawa ng entry sa blog niya at sabihing, "There would have been more love, peace, and happiness if you did not use the address which was supposedly mine."  Mayroon siyang isang entry:

"Just for introduction :
My full name is Sofia Leonita Rivany and my lovely nickname is Fifi.
Butttt.....most of my friends usually call me Sopi, my favourite nickname during my University life."

     Natawa naman ako sa lovely name niya.  Pangalan ng aso. Hahaha.  Tapos sinundan ng puwet, yung "butttt," tapos, naging Bisaya - "Sopi."

2.  What's The Point?
     Eto na po yung second choice ko.  Ang siste, ganoon din ang nangyari.  May nakakuha na ring iba.  At wala ring laman yung kanyang page.  Title lang ang nandoon.  Ang title? "LIFE. why I hate life."  Gusto ko sanang sabihin sa kanya, "why I hate you."

3.  Call Me Rence
     Napakahaba ng istorya ng "call me Rence" na yan.  Pero iku-kwento ko pa rin, and I will not make the long story short.  You see, my real name is Laurence.  Lumaki ako sa Manila kasama ang family at extended families.  Ang tawag sa akin sa house ay ang full name ko.  May mangilan-ngilan sa mga pinsan ko na ang tawag sa akin ay Rence, pero karamihan talaga ang tawag sa akin ay ang buo kong pangalan.  Nung high school, nabigyan ako ng bagong palayaw ng mga babae kong classmates.  "Lo,"  binibigkas ng maragsa. (Kung 'di mo alam ang maragsa, ito ay ang pagbigkas ng may impit sa huli).  Sweet, di ba?  Ang mga lalaki kong kaklase naman, palibhasa may pagkabastos, sasadyaing doblehin ang pagtawag sa akin, nagiging "Lo-Lo," salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay "lapastanganin ang sarili."  Mga hayup!!!

     Noong year 1996 ay umuwi ako sa probinsiya namin sa Palawan.  Alam mo naman ang mga tao sa probinsiya.  Matitigas ang mga dila.  Ang napakaganda kong pangalan, naging "Lorins," "Lurins."  Binigyan din ako ng bagong palayaw - Law (basahin ng Tagalog).  May mga hayup na naman na dinoble na naman ang palayaw ko - Lawlaw.  Haaaist.

     Kaya nag-desisyon ako na kapag may bago akong kakilala at tinanong ako kung ano ang pangalan ko, ang sagot ko ay, "Just call me Rence."  Naks!  Sa ngayon, almost 90% ng nakakakilala sa akin ay iyan ang tawag sa akin.

     E, baka itanong mo naman, saan galing ang "Kuya?"

     May pamangkin akong kambal, parehong babae.  Love nila ako.  Ewan ko ba, sure ako, mag-a-agree ka sa akin.  Ang mga bata ngayon, matatalino, hindi gaya nung kabataan ko (o, wag ka magsasabing, "Ikaw lang!").  "Tito" ang tawag nila noon sa akin.  Di ko alam kung saan sila nakakuha ng idea, tinanong ako kung pwede raw ay "Kuya" na lang ang tawag nila sa akin.  Sa loob-loob ko, "Pabor!"  Tinanong ko sila kung bakit, ang sabi sa akin, kasi daw, wala silang kuya, kaya ako na lang ang kuya nila.  Sweet, no?  Ngayon, 11 years old na sila.  Ako pa rin ang kuya nila.

No comments:

Post a Comment