Para magsumbong, i-email si Kuya sa kuyakuyakoy@ymail.com o kaya ay mag-comment lang sa kahit anong post. Pipiitin ni Kuyang masagot lahat ng inyong sumbong.
Wednesday, August 31, 2011
Mabuhay Ang Mga Fans...Ko
It was such a high when my post was published in Definitely Filipino, the Blog for Online Filipinos. Ang tagal kong hinintay na ma-approve iyon. Akala ko nga ay wala nang pag-asa na mai-publish yung dalawang articles. Pero mas natuwa ako nung mayroong mga nag-like sa FB nung mga isinulat ko. Nakakatuwa ring basahin ang mga reactions and comments, lalo na yung mga nagsasabing they can identify with what I have written. Dahil ang ibig sabihin, hindi ako nag-iisa sa mga iniisip ko, opiniyon ko, at mga nararanasan ko. (Pwede kami magtayo ng grupo. Pararamihin namin ang mga miyembro. After that, world domination!!! Hahaha!!! *Flash of lightning and thunder sa background*). Now, back to reality. The reason why I write what I write is that I feel I'm the only one having these thoughts, line of thinking, mind sets, feelings, and experiences and that what I am going through is not acceptable to others, and I need to express them.
Ang pinaka-nakakatuwa sa lahat, alam mo,kung ano? Yung mayroong hindi mo kakilala, tapos nabasa niya yung article mo, at nag-message siya sa iyo, at in-add ka sa FB, at sabihin niya na siya ay fan mo. Ang sarap pala ng feeling kapag meron kang fans, at nag-abala pa sila na i-PM ka, mag-comment sa blog mo, at sabihing sinusubaybayan nila ang mga isinusulat mo. Meron ding nag-uudyok sa akin na magsulat pa dahil may napupulot sila sa mga isinulat ko. Meron ding mga nag-quote ng aking mga isinulat. Biruin mo iyon, pagdating ng araw at nagbasa ka ng quotations, yung pangalan ko ay mahahanay kina Aristotle, Plato, Lao Tzu, at Anonymous!
Ang lahat ng ito ay nagbigay sa akin ng isang realization. May nagbabasa ng mga isinulat ko. At kailangan maging responsible ako sa mga isinusulat ko.
Ang isang epekto sa akin ng fans ko ay nadagdagan ang desire ko for writing. Una, dahil sa kanilang encouragement, at pangalawa ay dahil mayroon akong fans na sumusubaybay, hindi lang dahil sa kanilang pagsubaybay, kundi rin dahil mayroon akong fans. Alam ko na ngayon ang feeling ng mga artista.
Kung magkakaroon pa ako ng marami pang isusulat at magtatagal sa pagba-blog, isang dahilan ay dahil gusto ko. Pangalawang dahilan ay ang fans ko. Masarap isiping may nag-aabang kung ano ulit ang isusulat ko. Kung sila ay matutuwa, maiiyak, maiinis, magagalit, mapapamura, o wala lang.
Nagpapasalamat ako sa mga nag-express ng encouragement, sa mga naka-identify (hindi tayo nag-iisa), at sa nagsabing siya ay fan ko. Maraming salamat sa inyo. Mabuhay kayo. Fan niyo po ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment